Target ni Senator Alan Peter Cayetano na sa Enero ng susunod na taon isumite ang comprehensive report patungkol sa ginawang pagaaral sa New Senate Building (NSB).
Ito ang katiyakan na ginawa ni Cayetano sa pagdalo niya sa Managers’ Conference ng Radio Mindanao Network (RMN) kung saan siniguro niya na maganda hindi lamang ang gusali kundi pati ang konsepto nito.
Binigyang-diin ni Cayetano, Chairman ng Senate Committee on Accounts, ang kahalagahan ng transparency at nangakong maghahain ng komprehensibong ulat sa Senado na naglalaman ng factual reviews at konsultasyon.
Tiniyak ng mambabatas na isang de kalidad na New Senate Building (NSB) ang maitatayo sa pinakamababang posibleng halaga.
Sinabi ni Cayetano na ayaw niyang ipasa ang problema at siya na mismo ang magiging responsable sa proyekto mula nang saluhin niya ito hanggang sa matapos.
Dahil kasi sa mga isyu na may kinalaman sa gusali ay lumobo na sa ₱30 billion ang halaga nito mula sa noo’y ₱8 billion.