Senador, may panawagan sa China matapos banggain ang barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea

May panawagan si Senate Committee on National Defense and Security Chairman Jinggoy Estrada sa China matapos ang nangyaring banggaan ng mga barko ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea na nag-iwan ng pinsala sa barko ng bansa.

Ayon kay Estrada, dapat na igalang ng China ang international maritime laws, sumunod sa pamantayan at tigilan na ang pambu-bully sa ating bansa.

Giit ni Estrada, malinaw ang naging mga bullying tactics ng China sa Pilipinas at sa pagkakataong iyon ay hindi banta sa kanilang seguridad ang bansa.


Aniya, ang mga ganitong provocative actions ay hindi katanggap-tanggap at bilang isang bansa ay nananatili tayong committed sa pangangalaga ng ating territorial integrity at pagbibigay proteksyon sa karapatan ng ating mga mandaragat.

Mariin ding tinutuligsa ni Senator Grace Poe ang labag sa batas at mapanganib na aksyon ng CCG sa ating barko sabay giit na hindi dapat palagpasin ang ganitong harassment at pagatake sa ating Coast Guard at sa mga kababayan.

Facebook Comments