Senador, may panawagan sa mga gun owner patungkol sa pagtatanggol sa West Philippine Sea

Umapela si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga gun owner na maghanda para tumulong na ipagtanggol ang soberenya ng Pilipinas.

Tinukoy ni Dela Rosa ang nakakabahala at tumitinding tensyon sa West Philippine Sea at ang patuloy na panghaharass ng mga Chinese Coast Guard at Chinese militia sa ating mga coast guard, navy at mga mangingisda.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat lahat ng mga Pilipino ay handang kumilos at dumipensa sakaling may banta laban sa ating kapayapaan at soberenya.


Giit pa ng senador, kapag dumating ang araw na kailangang depensahan ang bansa ay kailangang magamit ng mga gun owners ang kanilang mga armas.

Aniya pa, walang ibang magmamahal sa ating bansa kundi tayo ring mga Pilipino kaya hindi dapat nating hayaan na yurakan lang ng mga dayuhan ang ating bansa.

Facebook Comments