Senador, may payo sa senate president na huwag maging kampante sa kasalukuyang sitwasyon

Pinayuhan ni Senator Juan Miguel Zubiri ang kasalukuyan at mga susunod na senate president ng mataas na kapulungan na huwag magpakakampante sa kanilang posisyong hinahawakan.

Kasunod na rin ito ng mga balita ng kudeta laban kay Senate President Francis Escudero bago mag-break ang sesyon.

Ayon kay Zubiri, dapat ay laging handa ang senate president na mapalitan siya lalo na kapag nagdesisyon ang mayorya ng mga senador na alisin at may ipalit sa kaniyang puwesto.


Batay aniya ito sa kaniyang naging karanasan kung saan naging normal na usapan ang kudeta lalo na pag patapos ang sesyon o magbe-break ang Senado.

Sinabi pa ni Zubiri na mainam din na nakasentro si Escudero sa kaniyang trabaho at sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang pinapaikot na papel at wala ring pinapapirma sa kanilang mga senador.

Facebook Comments