Hinikayat ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na aksyunan at magpatupad na ng ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa bansa.
Kaugnay ito sa isinagawang police raid sa isa sa mga malalaking offshore gaming operations compound sa Bamban, Tarlac hinggil sa human trafficking at serious illegal detention.
Giit ni Gatchalian, tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan at itaguyod ang integridad ng buong bansa.
Tinukoy ng mambabatas na ang nangyaring raid sa POGO hub sa Tarlac ay nagpapakita na may patuloy na banta sa industriya at sa ating lipunan.
Hirit ni Gatchalian, patuloy dapat na manindigan ang pamahalaan sa kapakanan ng mga kababayan na napapariwara dahil sa masasamang gawain ng mga POGO.