Senador, muling nanawagan sa gobyerno na tuluyang ipatigil na ang operasyon ng POGO sa bansa

Nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na tuluyang ipatigil ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.

Ginawa ng senador ang apela kasunod ng idinaos na pagdinig ng Committee on Ways and Means ng Senado kung saan naging kwestyunable sa mga senador ang kinuhang third party service providers para mag-audit sa mga POGO.

Giit ni Cayetano, kailangan nang itigil ang industriya ng POGO sa bansa dahil naging pugad lamang ito ng mga iligal na aktibidad tulad ng money laundering, kidnapping, at maging ang murder o pagpatay.


Binigyang-diin ni Cayetano na sa halip na benepisyo para sa ekonomiya ang pagkakaroon ng presensya ng POGO sa bansa, ay ipinapahamak lamang nito ang reputasyon ng bansa sa international community.

Para sa senador, ang economic at moral side na epekto ng POGO ay magkaugnay lang kaya para saan aniya at pinapahaba pa ang isyu gayong lahat ng “facts” ng makakabuti at hindi sa POGO ay inilatag na.

Facebook Comments