Senador, nababagalan sa pag-usad ng mga kaso laban sa mga Guo

Aminado si Senator Sherwin Gatchalian na nababagalan siya sa pag-usad ng mga kaso laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa iba pang miyembro ng pamilya Guo.

Ito ay dahil ilang buwan na ang itinatakbo ng imbestigasyon ng Senado pero wala pa rin ni isa sa mga Guo ang nasampahan ng kaso.

Dismayado si Gatchalian dahil ang kawalan ng kaso ang isa sa isyu kung bakit wala ring naipatupad na hold departure order (HDO) laban sa kanila.


Partikular na nabagalan si Gatchalian sa pagakasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa umpisa pa lang ay malinaw nang may kaso ng money-laundering si Alice Guo.

Sinabi pa ng mambabatas na kung walang warrant of arrest na ipinalabas ang Senado at Kamara ay wala sanang basehan para maibalik sa Pilipinas sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.

Facebook Comments