Senador, nababahala na magamit ng mga may personal interes ang video ni dating Cong. Zaldy Co

Nababahala si Senator Sherwin Gatchalian na posibleng magamit ng ilang may personal na interes ang video na inilabas ni dating Cong. Zaldy Co, kung saan itinuro niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-utos na isingit ang P100 billion sa 2025 national budget sa bicameral conference committee.

Nangangamba si Gatchalian na magamit ang video na ito lalo pa’t may mga nakaambang kilos-protesta sa mga susunod na araw.

Apela ng senador sa publiko na mag-ingat at suriing mabuti ang lumabas na video ni Co, dahil may mga nagsasabi na posibleng artificial intelligence ito.

Kung tutuusin nga aniya, nag-veto ang Presidente ng P160 billion sa 2025 national budget.

Kung ang mambabatas ang tatanungin, makabubuting personal na humarap sa pagdinig ng Senado si Co kung sinsero siya sa pagsasabi ng katotohanan.

Facebook Comments