Senador, nababahala sa paglipana ng online gambling sa bansa

Pinangangambahan ni Senator Lito Lapid na maraming mga kabataan ang masisira ang kinabukasan kapag hinayaan ang paglipana ng online gambling sa bansa.

Ayon kay Lapid, na Chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, nababahala siya sa iba’t ibang uri ng sugal sa online na madaling ma-access na lang ng mga kabataan sa iba’t ibang social media platform.

Ang mga online gambling na ito ay kinabibilangan ng casino, poker, roleta at color games.


Babala ni Lapid na kung hindi ito maaagapan ng gobyerno at tiyak na sisira ito sa moral at values ng mga kabataan kung saan maaari silang matutong magsinungaling, magnakaw at posibleng unang maging biktima ay mismong kanilang mga magulang.

Kaya naman, maghahain ang senador ng resolusyon para maimbestigahan ng Senado ang naglipanang online gambling.

Facebook Comments