
Kinwestyon ni Senator Kiko Pangilinan ang Department of Agriculture (DA) kung bakit walang mga rice smugglers at opisyal ng gobyerno na sangkot dito ang nasampahan ng kaso at nakulong.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, pinuna ni Pangilinan na mula nang maisabatas ang pinalakas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Law noong nakaraang taon ay wala pang smugglers ng agricultural products ang nakakasuhan sa kabila ng mga reports na huli ng Bureau of Customs (BOC).
Inungkat din ng senador na mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang nagsabi na mga opisyal ng pamahalaan ang nasa likod ng rice smuggling at kumikita rito.
Sa tagal aniya ay posibleng may mga tumakas na sa mga suspek sa smuggling.
Sa mismong pagdinig ay pinangalanan ni Pangilinan ang mga consignees ng mga shipment na hinihinalang may ipinasok sa bansa na smuggled agricultural products.
Ang mga consignees na ito ay pahaharapin sa susunod na pagdinig ng komite sa August 27.









