
Posibleng abutin pa hanggang limang administrasyon bago masolusyunan ang malaking problema sa kakulangan sa classrooms.
Ito ang babala ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino sa unang pagdinig ng komite.
Tinukoy ni Aquino ang report ng Department of Education (DepEd) na 165,000 ang kakulangan ngayon ng silid-aralan at pwedeng abutin pa ito ng limang panguluhan bago maresolba kung hindi mamadaliin ng gobyerno ang kilos.
Naikumpara ng senador na magkaiba ang presyo ng pagpapagawa ng classrooms kung saan kapag DepEd at DPWH ay nasa P2.5 million hanggang P3.8 million ang presyo at inaabot ng maraming taon ang konstruksyon habang kapag sa LGU at pribadong sektor ay mas mura na inaabot lang ng P1.5 million hanggang P2 million at isang taon lang ay natatapos na.
Naunang iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA ang pagtatayo ng 40,000 classrooms at sinabi ni Aquino, kakayanin naman ito kung tututukan at mawawala ang katiwalian at inefficiency.









