Senador, nagbabala na huwag agad paniwalaan ang self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang

Pinag-iingat ng ilang mga senador ang mga mambabatas tungkol sa pahayag ng self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang sa Al Jazeera documentary kung saan iniuugnay nito si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa Ministry of State Security ng China.

Babala ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi dapat paniwalaan agad ang pananalita ng isang taong nakakulong.

Aniya, bagama’t galing ito sa lehitimong news outlet at hindi rin dapat balewalain ang mga sinasabi ng naturang Chinese spy pero hindi rin dapat agad na paniwalaan.


Paliwanag ni Pimentel, maraming factors na maaaring makaimpluwensya sa isang testigong nakakulong lalo pa’t si She Zhijiang ay nasa hurisdiksyon naman ng mga awtoridad sa Thailand.

Sa ginanap na quad committee hearing sa Kamara nitong Biyernes ay ipinapanood ang interview kay She Zhijiang kung saan sinabi niyang hindi dapat pagkatiwalaan si Guo Hua Ping dahil ito ay konektado sa civilian intelligence, security at secret police agency ng China.

Facebook Comments