Senador, nagbabala sa mga Pinoy at dayuhan na mahuhuling nagtratrabaho sa POGO scam hub

Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa mga Pilipino at sa mga banyaga na mahuhuli na nagtratrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO scam hub na mananagot din sila sa batas.

Inihayag ito ni Gatchalian matapos ang panibagong raid kahapon sa illegal POGO sa Parañaque kung saan 400 ang mga empleyado na Pinoy, Chinese at Indonesian ang naabutan ng mga awtoridad.

Lumalabas din aniya na matapos na masalakay ang isang illegal POGO lumilipat lamang ang mga empleyadong Pinoy sa ibang POGO hub.


Hinimok din ng senador ang mga otoridad na kasuhan ang mahuhuli nilang sangkot sa illegal POGO operation.

Facebook Comments