Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa posibleng pagtigil na rin ng operasyon ng iba pang hydropower plants sa mga susunod na araw.
Ito ay kapag mas lalo pa aniyang tumindi ang init at tuluyang walang ulan.
Sinabi ni Gatchalian na kapag tumigil ang iba pang hydropower plants, magkakaroon aniya ng mas malawak na brownout.
Ayon sa senador, ito ang dapat na paghandaan ngayon ng Department of Energy.
Una na ring hinimok ni Gatchalian ang pamahalaan na magsagawa ng cloud seeding operations para gumana nang maayos ang iba pang hydropower plants.
Sa ngayon aniya, 21 na hydropower plants ang hindi gumagana nang maayos dahil sa kawalan ng tubig.
Facebook Comments