
Pinaalalahanan ni Senate President Tito Sotto III na maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds kahit wala pang deklarasyon ng state of calamity mula sa Pangulo.
Ito ang iginiit ni Sotto, na siya ring may-akda ng Republic Act 8185 o Calamity Fund Act, na nagbibigay ng karapatan sa mga local government units (LGUs) na gamitin ang disaster funds.
Paliwanag ni Sotto, maaaring ideklara ng local council ng lugar na sinalanta ng bagyo ang state of calamity kung talagang kinakailangan, at sila rin ang makapagdedesisyon para sa kanilang nasasakupan.
Kaya’t wala naman umanong binubuksan na bago ang Pangulo sa pagdedeklara ng nationwide state of calamity para sa paggamit ng calamity funds.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdedeklara ng isang taong national state of calamity matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino upang mapabilis ang pag-release at paggamit ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad sa kanilang calamity funds.









