
Nilinaw ni Senator JV Ejercito na tatalima sa proseso ang pagdinig sa ethics complaint laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin.
Naunang sinabi ni Ejercito na posibleng hindi umusad ang ethics complaint laban kay Dela Rosa kung agad na isasalang sa pagdinig dahil wala silang pamantayan sa mga senador na matagal na absent sa trabaho at kailangan muna nilang amyendahan ang Senate rules para rito.
Paliwanag ng senador, wala siyang sinasabing dismiss outright o ibabasura na agad ang reklamo kay Dela Rosa kundi ito lamang ay pansamantalang maisasantabi muna dahil sa kawalan nila ng probisyon sa rules tungkol sa absenteeism o no work, no pay.
Maliban dito, ang pagamyenda sa Senate rules ay mangangailangan ng pagapruba ng lahat ng mga senador at hindi lamang ng mga myembro ng Ethics Committee.
Nanindigan din si Ejercito na tinitiyak nilang mananaig ang due process sa pagdinig ng bawat kaso laban sa ilang mga senador.










