Iminungkahi ng ilang senador ang mga dapat na isulong ng Kongreso upang maiwasan ang matinding pinsala ng mga kalamidad na tumatama sa bansa.
Una ay iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi na dapat umiral ang “same old style” sa pambansang budget.
Pinabibigyang prayoridad ni Pimentel ang mga gastusin ng gobyerno kung saan kailangang ire-align ang panukalang 2023 budget sa produksyon ng pagkain, relief system, basic infrastructure maintenance at repair para maisaayos agad ang malawak at matinding pinsalang dinulot ng Bagyong Paeng.
Pinabubusisi rin ng Kongreso ang standards ng mga flood control projects upang makita kung substandard ang mga materyales na ginamit dito.
Pinatutukan din ng senador ang anti-logging measure, pagrepaso sa reforestation programs at pagpapalakas sa proteksyon sa mga nalalabing kagubatan at mga watersheds.