Senador, nagsagawa ng konsultasyon sa mga magsasaka at biyahero ng gulay sa Benguet

Nagsagawa ng konsultasyon sa mga magsasaka at biyahero ng gulay sa bayan ng La Trinidad si Senator Lito Lapid.

Nabatid ng senador na malaki ang problema ng mga magsasaka at mga byahero ng gulay sa Benguet dahil sa talamak na smuggling, hoarding at profiteering ng mga produktong agrikultura tulad ng mga gulay, bigas, asukal at iba pa.

Ayon kay Lapid, binabagsak ng mga smugglers ang presyo ng agriculture products na siyang unti-unting pumapatay sa mga magsasaka.


Maliban dito ay ginigipit din ng mga middlemen o mga kapitalista na nagpapautang ng puhunan at farm inputs ang mga magsasaka kaya napipilitan ang mga ito na ibenta ng mas mura o palugi ang presyo ng kanilang mga ani.

Matatandaang isa si Lapid sa mga senador na may-akda ng Senate Bill 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2016 na naglalayong patawan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang mga sangkot sa smuggling, hoarding at profiteering ng mga sindikato sa industriya ng agrikultura.

Facebook Comments