Senador, nais na maging makatao ang bagong estratehiya ng PNP sa paglaban sa iligal na droga

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na mas makatao ang pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) ng bagong estratehiya sa paglaban sa iligal na droga.

Sa bagong paraan ng pulisya sa paglaban sa iligal na droga, target na tugisin dito ang mga sources at suppliers ng illegal drugs.

Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang mas magiging matibay at mas makatao ang implementasyon ng bagong estratehiya na matagal na aniyang pinagtuunan ng pansin.


Tiniyak ng senadora na magbabantay rin sila sa Senado habang ipinapatupad ito ng PNP.

Magkagayunman, sinabi ng mambabatas na mangangailangan ng komprehensibo at holistic strategy para solusyunan ang ganitong kalawak na problema.

Dagdag pa ni Hontiveros, isa lamang sa mga aspeto ang pagtugis sa mga dealers at sindikato ng iligal na droga at napakahalagang matugunan din ang demand sa pamamagitan ng harm reduction, treatment, at prevention.

Facebook Comments