Senador, nakipag-ugnayan sa Davao Oriental matapos yanigin ng malakas na lindol ang lalawigan; agarang paghahatid ng tulong, hiniling

Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga lokal na awtoridad sa Davao Oriental para sa tulong na ibibigay sa mga biktima ng 7.5 magnitude na lindol.

Ayon kay Go, na ngayon ay nasa lalawigan, nakikipag-ugnayan na siya sa local government para sa mabilis na pagpapaabot ng ayuda sa mga pamilyang nangangailangan doon.

Tiniyak ng senador na bukas ang kanyang opisina para sa mga nais humingi ng tulong at nakahanda naman silang magpaabot ng assistance sa abot ng kanilang makakaya.

Nanawagan naman si Go sa mga ahensya ng gobyerno para sa mabilis na paghahatid ng pagkain, tubig, pagbabalik ng kuryente, pag-dedeploy ng mga doktor, at mga gamot sa mga biktima ng lindol.

Umaasa ang mambabatas sa mabilis na pagbangon ng mga lugar na niyanig ng malakas na lindol at umapela sa pamahalaan at sa publiko na magtulungan ngayong nahaharap ang bansa sa panibagong pagsubok.

Facebook Comments