Senador, nanawagan kay PBBM na agad na lagdaan ang panukalang pag-urong sa petsa ng Barangay at SK Elections

Hiniling ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na lagdaan na agad ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa November 2026.

Ayon kay Sen. Imee, anim na buwan nang inaabangan ng mga barangay at SK officials kung mauurong o hindi ang halalan sabay giit na karapatan ng mga ito na malaman kung hanggang kailan sila sa pwesto.

Pinuna ng senadora ang matagal na pagsusumite ng Kamara ng kopya ng panukala sa Senado matapos nila itong aprubahan noong Hunyo 11 at nito lamang Hulyo 15 naisumite sa opisina ng pangulo ang naturang panukala.

Mayroon namang 30 araw si PBBM para pirmahan o i-veto ang panukala pero sakaling hindi ito malagdaan o ma-veto matapos ang isang buwan ay otomatiko na itong magiging batas.

Kapag naisabatas ay ipinatatakda sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 ang BSKE sa halip na sa darating na Disyembre.

Facebook Comments