Senador, nanawagan na tigilan na ang paggamit ng single-use plastics

Umapela si Senator Loren Legarda sa mga ahensya ng gobyerno at sa publiko na tigilan na ang paggamit ng single-use plastics.

Ngayong paggunita ng National Zero Waste Month, ipinunto ni Legarda na laging nababansagan ang Pilipinas bilang pinakamalaking ocean polluter sa mundo dahil sa malakas na paggamit ng single-use plastics.

Hiniling ng mambabatas na gobyerno ang dapat na manguna sa ganitong mga gawain.


Binigyang-diin ni Legarda ang pagbaling sa paggamit ng mga recyclable material o mga materyal na pwedeng ulit-ulitin ang paggamit.

Layunin din ng hindi na paggamit ng single-use plastics na maiwasan ang permanenteng pagkasira ng kalikasan.

Facebook Comments