Senador, nanawagan sa mga LGUs na mahigpit na sundin ang geohazard map

Umapela si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa mga local government units (LGUs) na mahigpit na sundin ang mga geohazard maps.

Kasunod na rin ito ng landslide sa gold mining site sa Maco, Davao de Oro na ikinasawi ng marami.

Tinukoy ni Legarda na noong 2011 at 2014 ay naglabas ang Mines and Geosciences Bureau (MGB)-Region 11 ng geohazard mapping kung saan ipinagbabawal ang pagtatayo ng mga bahay at gusali sa naturang lugar dahil ito ay landslide prone area.


Aniya, hindi bago ang pagguho ng lupa sa lugar at nasorpresa lang ngayon dahil may mga nasawi.

Paliwanag ng senadora, ang geohazard map ay nagmumula sa MGB ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ibinababa sa mga LGUs na dapat naipapaliwanag sa mga tao.

Magkagayunman, aminado ang senadora na ang nagiging problema ay walang paglilipatan agad ng maayos na lugar para sa mga apektadong residente kaya mangangailangan ng collective effort mula sa mga kaukulang ahensya para maiwasan na maulit ang mga kahalintulad na insidente.

Facebook Comments