Senador, naniniwalang nagkaroon ng “change of heart” si PBBM sa Cha-cha

Malinaw na nagkaroon ng ‘change of heart’ o pagbabago sa kanyang posisyon sa charter change si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito’y matapos na ihayag ng presidente na manguna na ang Senado sa pagtutulak ng charter change (Cha-cha) na unang napagkasunduan ng Kongreso noon pang mga nakaraang buwan.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, naging malinaw na ang posisyon ni Pangulong Marcos at ito ay ang amyendahan ang 1987 Constitution gayong noong mga nakalipas na buwan ay sinabi rin ng presidente na hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon.


Magkagayunman, wala aniyang papel ang pangulo sa pagamyenda sa Konstitusyon kaya kung sinuman ang sumusuporta sa presidente ay dapat na sumunod sa direktiba nito.

Umapela naman si Senator JV Ejercito na maglabas ng ‘categorical statement’ ang pangulo para kilalanin ang napagkasunduan sa harap niya kasama ang Senado at Kamara na Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) noong January 5.

Giit ni Ejercito, wala na sanang gulo kung nasunod lamang ang naunang usapan at kahit may kumpas mula sa pangulo ang pagdinig sa pag-amyenda sa economic provisions sa Konstitusyon ay nagpapatuloy naman ang mga efforts sa People’s Initiative (PI) para sa Cha-cha.

Facebook Comments