Senador, napupundi na sa ginagawa ng China sa WPS

Nauubusan na ng pasensya si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa palaging pambubully na ginagawa ng China sa ating mga mangingisda, sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at maging sa Philippine Navy.

Ayon kay Go, linggu-linggo na lamang siya nakakarinig ng balita sa ginagawang hindi maganda ng China sa ating nasasakupan sa West Philippine Sea (WPS).

Umapela ang senador sa pamahalaan ng China na igalang naman ang ating sariling teritoryo.


Nananawagan din ang senador sa gobyerno at sa lahat na ipaglaban ang ating kasarinlan at pag-aari dahil atin ang West Philippine Sea.

Paglilinaw naman ng mambabatas na sa paraang diplomasya ang paglaban sa ating soberenya at patuloy na igiit sa China na kahit maliit tayong bansa ay hindi tayo susuko na igiit ang ating karapatan sa nasasakupan.

Kamakailan lang ay panibagong paninira nanaman ang ginagawa ng China sa ating karagatan sa bahagi ng Bajo de Masinloc na sumisira sa ating bahura at naglagay pa ng floating barrier doon ang Chinese Coast Guard (CCG).

Facebook Comments