Senador, pabor sa desisyon ng pamahalaan na huwag tapatan ang idineklarang ceasefire ng CPP-NPA

Sinuportahan ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Senator Jinggoy Estrada ang desisyon ng mga security officials na huwag tapatan o tugunan ang idineklara ng CPP-NPA na dalawang araw na tigil putukan ngayong Kapaskuhan.

Para kay Estrada, walang inaasahang magandang kahihinatnan sa plano ng pamahalaan na makipag-usap ng pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.

Aniya, tama lang na hindi nagdeklara ng ceasefire ngayong Pasko ang gobyerno dahil karaniwang naman na hindi ito iginagalang ng rebeldeng komunista.


Bukod pa rito, sinasamantala ng CPP-NPA ang pag-iral ng ceasefire para magpalakas ng kanilang hanay.

Sinabi pa ni Estrada na ngayong sinasabing mahina na ang puwersa ng CPP-NPA dapat na ituloy ang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa kanila at bigyan ng takdang panahon o timeline ang mga gustong sumuko o magbalik loob sa pamahalaan.

Facebook Comments