Pinakikilos ni Senator Risa Hontiveros ang Armed Forces of the Philippines (AFP) patungkol sa mga reklamo sa mga sundalo ng pananakit, pagtataksil, at hindi pagbibigay sustento sa kanilang mga pamilya.
Tinukoy ni Hontiveros na dapat kumilos sa mga ganitong kaso o reklamo ang Board of Promotions at Board of Generals ng AFP na nag-i-endorso ng pag-akyat ng ranggo ng isang military officer.
Sinabi ni Hontiveros na hindi na dapat pinapaabot pa ng AFP sa Commission on Appointments ang mga ganitong isyu kapag nai-promote ang isang sundalo.
Hindi aniya family court ang CA at hindi rin nararapat na sila pang mga senador at kongresista na kasapi ng komisyon ang reresolba sa problema o reklamong kinakaharap ng isang military officer.
Matatandaang na-bypass ng CA ang pag-apruba sa ad interim appointment ni Ranulfo Sevilla sa ranggo nitong Brigadier General matapos na hindi makatupad sa napagkasunduang sustento sa mga anak at dahil dito balik ulit siya pagiging Colonel.