Senador, pinaaaksyunan sa Senado ang pagdoble ng kita ng mga magsasaka

Pinaaaprubahan agad ni Senator Imee Marcos sa Senado ang Senate Bill 1801 na layong doblehin ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

Tinukoy sa panukala na ang mabagal na paglago ng sektor ng agrikultura ay nagresulta sa mga magsasaka bilang pinakamahirap na sektor sa buong bansa.


Sa ilalim ng panukala ay ini-institutionalize ang mga kinakailangang programa upang mapahusay ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kinakailangang legislative support sa mga programa ng Department of Agriculture (DA).

Padadaliin din ang transition sa corporate farming sa pagbibigay ng legal framework para sa agri-business venture agreements (AVAs) na layong gawing mas epektibo at mas mahusay ang agricultural production at agricultural security of tenure at income.

Iginiit ni Marcos, na may-akda ng panukala, na dapat maging kapaki-pakinabang muli ang agrikultura upang maengganyo ang mga Pilipinong magtrabaho sa bukirin dahil kung hindi ay tiyak na aasa lamang tayo sa imported na pagkain pagsapit ng 2030.

Facebook Comments