Senador, pinag-aaralan na ang paghahain ng resolusyon para harangin ang paglipat ng PhilHealth sa OP

Pag-aaralan ni Senator Risa Hontiveros ang paghahain ng resolusyon para mapigilan ang paglipat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Office of the President (OP) mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Hontiveros, gagawin nila ang lahat ng paraan sa oposisyon para maharang ang paglipat ng PhilHealth sa tanggapan ng pangulo lalo’t matagal ding ipinaglaban ng mga health advocate ang pagkakaroon ng universal healthcare system.

Binigyang diin pa ng senadora na sa ilalim ng batas nasa mandato talaga ng DOH ang PhilHealth.


Ipinunto ni Hontiveros na ang mga bagay na nasa batas na ay hindi pwedeng baguhin ang nature o organizational structure at kung sakali mang babaguhin ay kailangang dumaan muna ito sa Kongreso.

Pinag-aralan din ng mambabatas kung pinagaralan ba ng Department of Justice (DOJ) ang inilabas na legal opinion ng ahensya na walang legal issue sa paglipat sa PhilHealth sa Office of the President.

Susubukan din ni Hontiveros na kumbinsihin si Health Secretary Ted Herbosa na ang balak gawing paglipat sa PhilHealth ay isang masamang ideya.

Facebook Comments