Monday, March 16, 2026

Senador, pinag-iingat ang CA sa hiling na pag-amyenda ni Sen. Rodante Marcoleta sa naging pahayag tungkol sa Kalayaan Island Group

Pinasusuring mabuti ni Senate President pro-tempore Ping Lacson sa Commission on Appointments (CA) ang hirit ni Senator Rodante Marcoleta na alisin at palitan ang naging pahayag nito sa pagdinig na i-give up o isuko na lang ang Kalayaan Island Group (KIG) dahil hindi naman ito sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Babala ni Lacson, posibleng lumabag sa batas ang CA dahil mayroong probisyon sa Article 70 ng Revised Penal Code na nagpapataw ng parusa sa falsification ng legislative documents.

Hinimok ng senador na pag-aralang mabuti ng CA kung bahagi ba talaga ng legislative records ang request sa naka-pending na approval ng minutes.

Pinagiingat ng husto ni Lacson ang CA dahil kapag nagkasuhan ay pwedeng madamay ang komisyon bilang kasabwat dahil sila ang nag-apruba ng amyenda sa minutes ng hearing.

Ang mosyon ni Marcoleta na palitan ang bahagi ng record ng naturang pagdinig ay naka-refer na sa Committee on Rules ng CA para sa pagsusuri.

Facebook Comments