Senador, pinag-iingat ang Kongreso sa planong ibalik ang kapangyarihan sa NFA sa pagbili at pagbenta ng bigas

Pinag-iingat ni Senator Sonny Angara ang Kongreso kaugnay sa planong ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng bigas.

Tinututulan ng senador ang itinutulak ng Kamara na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) para bigyan ang NFA ng kapangyarihan sa pagpapatatag ng suplay ng bigas.

Paalala ni Angara, napakatindi ng korapsyon sa NFA dahilan kaya tinanggalan ito ng kapangyarihan na magtakda ng quota sa bigas.


Sa kabilang banda, nilinaw ni Angara na suportado niya si Pangulong Bongbong Marcos sa pagtutulak na maamyendahan ang RTL.

Pero kung ang layunin ay mapababa ang presyo ng bigas ay dapat na maghanap ng ibang paraan.

Facebook Comments