Pinagdodoble ingat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang publiko sa mga scam ngayong holiday season.
Ibinabala ng senador ang mga talamak na namang scams ngayong holiday na bumibiktima sa mga kababayan lalo na’t mas madalas ngayon ang online shopping.
Pinayuhan ni Pimentel ang publiko na sumunod sa abiso ng National Telecommunications Commission (NTC) na iwasang mag-click ng mga link na matatanggap sa mga text message dahil dito makokompromiso ang mga personal information at financial security ng isang tao.
Aniya pa, huwag na huwag magpapadala sa mga mensaheng hindi naman natin alam ang pinagmulan.
Dagdag pa ni Pimentel, sa ganitong panahon ay dapat gamitin ang kokote dahil maraming scammers ang naghahanap lang ng pagkakataon para makapanloko.