Senador, pinaghahain agad ang AMLC ng kaso laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagsasampa ng kaso laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at mga kasabwat nito.

Sa pagdinig ng Senado ay inamin ni Gatchalian na naiinip na sila sa kaso dahil halata namang mayroong c na kinasasangkutan ng mga POGO hub sa Bamban.

Nakwestyon ng mambabatas kung mauuwi ba ito sa implementasyon ng hold departure order (HDO) laban sa lahat ng akusado kung saan naging tugon ni Justice Usec. Nicholas Felix Ty na isa sa mga option ay ang paghiling ng precautionary HDO mula sa korte.


Binigyang-diin ni Gatchalian na layunin ng pagsasampa ng anti-money laundering cases at HDO ay matiyak na hindi na muling makakatakas ang mga sangkot sa krimen na may kinalaman sa mga POGO sa Bamban at Porac.

Samantala, naunang hinikayat ng senador si Shiela Guo na makipagtulungan na sa pamahalaan at magsabi na ng totoo sa “involvement” o pagkakasangkot niya sa mga iligal na aktibidad ng pamilyang Guo.

Giit ni Gatchalian, inilagay ng pamilyang Guo si Shiela sa kapahamakan dahil lumagda ito sa mga dokumentong pinapirma sa kanya kahit pa ang sinasabi nito na wala o hindi niya alam ang mga ito.

Facebook Comments