Senador, pinaglalabas ang ERC ng utos na gawing hulugan ang pagbabayad sa kuryente ng mga consumer

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maglabas ng kautusan sa mga power distribution company na payagang gawing utay-utay o hulugan ang pagbabayad ng kuryente ng kanilang mga consumer.

Sa gitna na rin ito ng pagtaas sa singil sa kuryente lalo na nitong mga buwan ng tag-init.

Ayon kay Gatchalian, bigyan ng option ng power utilities ang kanilang mga consumer na magbayad ng bill sa kuryente ng hulugan na walang interes, multa at iba pang dagdag na charges.


Inihalimbawa ng senador na noong panahon ng pandemya ay inabot ng dalawa hanggang tatlong buwan ang ipinatupad na staggered payments sa publiko.

Pakiusap naman ni Gatchalian na habang hulugan ang ginagawang pagbabayad sa kuryente ay huwag puputulan ng linya ang mga consumers at bigyan ng panahon hanggang sa mabayaran nang buo ng mga consumer ang kanilang mga bill.

Facebook Comments