Senador, pinaglalatag ang DOE ng contingency plans para sa matatag na suplay ng kuryente ngayong tag-init

Pinaglalatag ni Energy Committee Vice Chairperson Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) ng contingency plans ngayong makakaranas ang bansa ng mas mainit na klima o lagay ng panahon.

Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang makararanas ng peak ng El NiƱo ang bansa sa mga buwan ng tag-init.

Hiniling ni Gatchalian sa DOE na maglatag na ng contingency plans upang matiyak ang matatag na suplay ng kuryente sa gitna ng mainit na panahon na mas pinatindi pa ng epekto ng El NiƱo.


Bukod kasi sa food security ay ikinababahala ng senador ang kakapusan sa energy security dahil posibleng matuyo ang mga katubigan na pinagkukunan ng 9 percent ng hydroelectric power plants ng bansa.

Dapat aniyang masiguro ng DOE na lahat ng kinakailangang pagsasaayos at preventive maintenance ay maisasagawa bago pa ang peak ng El NiƱo sa summer months upang maiwasan ang madalas na brownout.

Facebook Comments