Nanawagan si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga opisyal ng gobyerno na miyembro ng mga fraternity na magsalita na para kundenahin ang hazing sa ganitong mga organisasyon.
Kaugnay na rin ito sa hatol na reclusion perpetua sa mga estudyanteng natukoy na sangkot sa pagkamatay sa hazing ng law student na si Horacio Atio Castillo III noong 2017.
Partikular na hinihikayat ni Zubiri na magsalita na tungkol dito ang mga kapwa senador, kongresista, at cabinet members na miyembro ng mga kilalang fraternity tulad ng Tau Gamma Phi.
Aniya, ang mga ito ang dapat na magsalita at kumausap sa mga frat leader para mapahinto ang kultura ng karahasan sa kanilang samahan.
Paglilinaw ng senador, hindi naman masama ang lahat ng sumasali sa fraternity at maraming mga miyembro na sumusunod sa batas tulad ng mga nasa kongreso, gabinete at iba pang matataas na pwesto sa pamahalaan.