Senador, pinagsusumite ang DICT ng plano sa pagpapalakas ng cybersecurity ng gobyerno

Pinagsusumite ni Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng plano kaugnay sa pagpapalakas ng cybersecurity ng bansa.

Kaugnay na rin ito sa magkakasunod na hacking at data breach sa mga website ng ilang mga government agencies na naglagay sa peligro sa sistema at mga mahahalagang impormasyon sa gobyerno.

Kabilang sa plano na hinihingi ni Cayetano sa DICT ang pagkuha ng mas maraming cyber experts sa gobyerno upang matugunan agad ang mga kahalintulad na cyberattacks.


Naunang inamin ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center Deputy Executive Director Mary Rose Magsaysay sa Senado na sa kabila ng pagkakaroon ng mga mahuhusay na cyber technologist sa ahensya ay hindi pa rin ito sapat.

Sinabi naman ni DICT Spokesperson Renato Paraiso na nakakaapekto sa pagkuha ng cybersecurity experts ang malaking pagkakaiba ng sweldo ng mga nasa gobyerno at pribadong sektor.

Facebook Comments