Pinagsusumite ni Committee on Energy Vice Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng action plan para ma-regulate ang mga distribution utilities.
Sa pagdinig ng Senado, nabunyag na dalawampung distribution utilities sa bansa ang nag-o-operate na walang aprubadong Power Supply Agreement (PSA) at nagagawang maningil sa mga consumers ng lagpas sa pinapayagan lang na generation rate.
Kinukwestyon ni Gatchalian kung papaano aniya magtitiwala sa sarili nating regulator kung marami sa mga distribution utilities ay nakakalusot at nagpapasa ng mataas na singil sa publiko.
Inutusan ni Gatchalian ang ERC na magsumite ng action plan para maiwasan na maulit ang mga ganitong pangyayari at para lutasin na rin ang sitwasyon.
Bukod dito, hiniling din ng senador sa Department of Energy (DOE) na i-review ang polisiya hinggil sa pagpayag sa mga distribution utilities na panatilihin ang ‘indirect membership’ sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na aniya’y maraming butas at isa sa nagiging rason sa mataas na singil sa kuryente.