Pinatataasan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang suplay ng luya sa bansa sa gitna na rin ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Aminado ang Department of Agriculture (DA) na ang pagtaas ng presyo ng luya sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ay bunsod ng tumataas na demand sa produkto mula sa manufacturers na sinabayan ng pagbaba ng suplay dahil sa mabagal na importasyon.
Nagkasundo sina Tolentino at ang DA na itaas ang produksyon at suplay ng luya, paghusayin ang post-harvest facilities tulad ng storage at refrigeration systems upang matapatan ang lumalaking demand.
Tinukoy ng mambabatas na ang nagiging popular ngayon na mga ginger-based products tulad ng turmeric tea ang nakadagdag sa mataas na demand ng naturang produkto na isang magandang senyales dahil nagiging health conscious na ang ating mga kababayan.
Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa P120 hangganan P150 ang farm gate prices ng luya habang ang presyo naman nito sa mga palengke ay umaabot na hanggang P320 ang kada kilo.