Senador, pinakikilos ang IACAT laban sa bentahan ng mga sanggol sa online

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na tugusin ang mga sindikato na nasa likod ng bentahan ng mga sanggol sa online.

Ayon kay Gatchalian, nakakabahala na nagiging talamak ang bentahan ng sanggol sa social media lalo sa Facebook at dapat na masugpo na ang ganitong mga uri ng kalakaran na maituturing na isang uri ng pang-aabuso.

Kinalampag ng senador ang mga law enforcement agencies na paigtingin ang mga hakbang sa pagsugpo sa ganitong mga iligal na gawain.


Tinukoy ng mambabatas na ang mga sangkot sa bentahan at pagbili ng mga sanggol ay mahaharap sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 o Republic Act No. 11862.

Pasok sa ilalim ng batas ang child-laundering at iba pang uri ng human-trafficking tulad ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata.

Facebook Comments