Senador, pinalalagyan ng “anti-epal” provision ang 2026 budget para sa pamamahagi ng ayuda

Inirekomenda ni Senate President Pro-tempore Ping Lacson na lagyan ng “Anti-Epal” provision ang panukalang 2026 national budget.

Layon ng probisyon na maiiwas na magamit ang pamamahagi ng ayuda sa pangaabuso at maling paggamit dito ng mga politiko.

Isinusulong ni Lacson sa ipaloob sa special provision na magbabawal sa lahat ng incumbent public official, mga kandidato sa eleksyon, mga politiko at kanilang kinatawan na lumahok, mangimpluwensya, o maging bahagi ng distribusyon ng kahit anong cash assistance o ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi rin dapat maisama sa mga political signage, branding, paraphernalia, o aktibidad na ilalagay sa mga distribution area.

Posibleng maharap sa administrative sanction ang sinumang tauhan ng DSWD na magpapahintulot at mangangasiwa sa partisipasyon ng mga politiko sa pamamahagi ng ayuda.

Iginiit ni Lacson na ang pamumulitika sa social welfare program ng gobyerno ay hindi makatarungan at hindi rin makatao.

Facebook Comments