
Pinatitiyak ni Senator JV Ejercito na hindi lamang kina dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant District Engineer Brice Hernandez matatapos ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Giit ni Ejercito, matindi na ang galit ng taumbayan kaya kailangang panagutin ang mga salarin na mas mataas pang mga opisyal.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong umaga ng Senado, kailangan aniyang matukoy at maimbestigahan ang mga mas malalaking tao na nasa likuran nina Alcantara at Hernandez.
Una rito, inaasahan na may pasabog na impormasyon na isisiwalat sa pagdinig ng Blue Ribbon ngayong araw.
Iginiit naman ni Senator Kiko Pangilinan na hindi na papayag ang taumbayan sa cover-up at mahalagang maisiwalat ang buong katotohanan sa ginagawang mga imbestigasyon.









