Nanawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa mga kapwa senador na isama rin sa imbestigasyon ang mga delayed na pamamahagi ng ayuda bukod sa isyu ng mga katiwalian sa social amelioration programs (SAP).
Unang nagpahayag ng suporta si Go sa imbestigasyon ng sinasabing katiwalian sa TUPAD program kasabay ng paggiit na dapat suriin din ang listahan ng mga tumatanggap ng assistance upang matiyak na kwalipikadong benepisyaryo ang makakakuha.
Giit ng senador, dapat ay transparent, patas at politics-free ang pamimigay ng ayuda ng mga ahensya ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Go na dapat maging accessible sa lahat ng Pilipinong nangangailangan at walang bias ang mga ipinamamahaging cash assistance.
Idinagdag ng senador na pera ng gobyerno ang ipinamimigay kaya’t nararapat lamang itong ibalik sa pamamagitan ng serbisyo sa taumbayan.