Senador, pinatitiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng safety standards para sa kaligtasan ng mga biyahero ngayong Semana Santa

Pinatitiyak ni Senador Alan Peter Cayetano na ligtas na makakabiyahe ang publiko at hindi na mauulit ang mga trahedya sa transportasyon ngayong paggunita ng Holy Week at summer vacation.

Ayon kay Cayetano ito ay upang hindi na maulit ang trahedya noong March 29 kung saan nasunog ang isang passenger vessel sa Basilan na ikinasawi ng maraming pasahero.

Binigyang diin ni Cayetano na obligasyon ng gobyerno na panatilihing ligtas ang mga tao at ang pinakamainam na paraan para sa pagtiyak sa kaligtasan ng transportasyon ay walang palulusutin pagdating sa regulasyon.


Hinimok din ng senador ang mga awtoridad na maging mahigpit sa pagbabawal ng mga substandard na public utility vehicles at transport units mula sa mga kalsada hanggang sa karagatan.

Panahon na aniya na matuto ang gobyerno mula sa mga trahedya at aksidenteng may kinalaman sa transportasyon.

Facebook Comments