Senador, pinatitiyak ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa

Pinatitiyak ni Senator Imee Marcos na bababa talaga ang presyo ng bigas sa pagtapyas ng taripa sa nasabing produkto.

Ayon kay Sen. Marcos, maituturing na “band aid solution” ang hakbang na ito kaya dapat lamang masiguro na ang pagbaba ng tariff rates ay makapagpapababa rin ng presyo ng bigas sa retail level at hindi para itaas ang kita ng mga importers.

Aniya, ang pagkontrol sa inflation ay isa sa mga pangunahing bagay na dapat ihatid ng gobyerno sa puntong ito.


Naniniwala rin ang senadora na balewala ang sinasabing P10 billion na ikalulugi ng pamahalaan kung ang kapalit ay maibababa naman ang presyo ng bigas.

Dagdag pa ni Sen. Marcos, ang tunay na long term solution sa mataas na presyo ng bigas ay suportahan ang mga lokal na magsasaka at paghusayin ang kanilang produksyon at ani at bawasan ang pagiging dependent sa mga imports.

Facebook Comments