Senador, pinatitiyak na handa ang bansa sa La Niña

Pinatitiyak ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., na handa ang bansa sa nagbabadyang pagpasok ng La Niña season.

Ayon kay Revilla, Chairman ng Senate Committee on Public Works and Highways, papalapit na ang panahon ng tag-ulan at nakakabahala ang magiging epekto ng La Niña na magdadala ng maraming pag-ulan sa bansa.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tiyaking sapat ang pahahanda ng bansa sa panahon ng La Niña.


Aniya, dapat ngayon pa lang ay napapanatiling malinis ang mga drainages at iba pang daluyan ng tubig upang maiwasan ang mga pagbara at pagbaha.

Pinasisiguro rin ng senador na 100 percent na operational ang mga pumping stations.

Giit pa ni Revilla, samantalahin na ang kasalukuyang mainit na panahon para makapaghanda at hindi kung kailan may bagyo ay saka pa lamang magkukumahog na kumilos ang mga ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments