Senador, pinatitiyak na hindi mawawala ang P60 billion na pondo ng PHILHEALTH sa 2026 budget

Pinababantayang mabuti ni Senator Risa Hontiveros na mananatili sa 2026 national budget ang ibinalik na P60 billion na pondo ng PhilHealth.

Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Bill (GAB), tinukoy ni Hontiveros na bago pa man maglabas ng ruling ang Korte Suprema ay naglagak na ang Kongreso ng P60 billion na pondo para sa PhilHealth.

Tiwala ang mambabatas na dahil sa desisyong ito ay masisiguradong mapagsisilbihan ang mga Pilipino ayon na rin sa mithiin ng universal health care.

Pinalilinaw ni Hontiveros na sa national budget, ang naturang pondo ay hindi augmentation kundi ito ay pondong ibinalik sa PhilHealth.

Patuloy ding sinisingil ng senadora ang pamahalaan sa P53 billion pa na utang nito na subsidiya na hindi ibinigay ngayong taon.

Facebook Comments