Senador, pinatitiyak sa DOJ ang pagbibigay hustisya sa pinaslang na gobernador ng Negros Oriental

Pinatitiyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Justice (DOJ) ang pagbibigay ng hustisya sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kasunod na rin ito ng pagkakaaresto ng pinatalsik na si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa Dili, East Timor na siyang itinuturong mastermind sa pagpatay sa gobernador.

Ayon kay Villanueva, ang pagkakaaresto kay Teves ay isang malaking hakbang tungo sa ikareresolba ng kaso.


Hinimok ng senador ang DOJ at mga alagad ng batas na gawin ang lahat ng paraan upang mapanagot ang mga may sala sa lalong madaling panahon at mabigyang hustisya ang pagkasawi ni Degamo at ng iba pang bikitma.

Si Teves na matagal na nagtago sa East Timor ay nahaharap sa patung-patong na kaso ng pagpatay kay Degamo at sa iba pang biktima na pinaslang ng mga armadong lalaki habang nagsasagawa ng ayuda distribution noong March 4, 2023.

Facebook Comments