
Hinamon ni Senator Sherwin Gatchalian ang bagong liderato ng Pambansang Pulisya na tuldukan ang operasyon ng mga criminal organizations na nagmula sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Kaugnay na rin ito sa impormasyon na ilang mga Pinoy na dating POGO workers ang gumagalaw ngayon bilang mga online scammer.
Nababahala si Gatchalian na nagiging “home-grown” na ang banta ng mga krimen na iniwan ng POGO kaya marapat lamang na kumilos na rito ang PNP.
Giit ng senador, isa itong repleksyon ng pangmatagalang pinsalang dulot ng POGO sa ating bansa.
Samantala, umaasa ang mambabatas na kasabay ng pagtugis ng mga krimen na dulot ng POGO ay tuluyan na ring maisasabatas ang Anti-POGO bill na inaprubahan ng Kongreso.
Facebook Comments









