Senador, positibong maibabalik ng bansa sina Cassandra Li Ong at Atty. Harry Roque

Tiwala si Senator Risa Hontiveros na maibabalik sa Pilipinas sina Cassandra Li Ong at Atty. Harry Roque matapos ipag-utos ang pagkansela ng kanilang mga pasaporte.

Ang dalawa ay nahaharap sa mabigat na kaso ng human trafficking.

Ayon kay Hontiveros, positibo siyang maibabalik sa bansa sina Ong at Roque upang harapin ang mga kasong may kaugnayan sa POGO.

Nararapat lamang aniya ang pagkansela ng kanilang mga pasaporte dahil tila tinatakasan ng mga ito ang batas.

Iginiit pa ni Hontiveros na hindi dapat tumigil ang gobyerno sa pagpapanagot sa lahat ng indibidwal at criminal syndicates na nasa likod ng mga POGO scam hubs.

Dagdag ng senadora, hindi nagtatapos ang kuwento sa paghatol kay Alice Guo, at dapat managot ang lahat ng sangkot sa POGO.

Facebook Comments